Sunday, September 25, 2011

FLORANTE AT LAURA




Kabanata 1: Kay Selya

Buod:
Si Francisco Baltazar ay sinulat ang kuwentong ito para sa kaalaman ng mambabasa na kung paano niya ipinaglaban ang pag–ibig niya kay Maria Asuncion Rivera (MAR) na tinawag niyang Selya. Ibinahagi ni Francisco ang lahat ng kanilang masasayang nangyari sa buhay nila ni Selya sa Ilog Beata. Nakuha niyang iguhit sa pamamagitan ng sintang pinsel ang larawan ni Selya. Nang matauhan siya sa kanyang pag-iisip, napaiyak siya nang dahil sa labis na kalungkutan. Maraming siyang katanungan subalit si Selya lang ang makakasagot. Tinuran ni Francisco na bagamat sumakabilang buhay na si Selya ay hinahangad pa rin niya na ang tapat nilang pag-iibigan ay dapat tumagal. Si M.A.R. na tinawag na Selya ang kanyang unang pag-ibig.




Talasalitaan:
1.    karalitaan  - karukhaan; kawalan
2.    hilahil - walang-wala; nagigipit;
3.    yapakan – apakan; tutungan; hakbangan
4.    panimdim - dalamhati
5.    taghoy - managhoy; manangis; humalinghing; dumaing dahil sa sakit
6.    umid - di-makapagsalita
7.    ayop – paglabag; pagkakasala





Kabanata 2: Puno Ng Salita

Buod:
Ang kagubatan ay inilarawan na madilim at may malalaking puno tulad ng higera at sipres. Bawat isa sa mga  punong ito ay may mga baging na may tinik at pagkinain mo naman ang bunga nito ika’y magkakasakit. Ang mabahong amoy sa kagubatan ay sanhi rin sa mga bulaklak na nandito. Ang kagubatan ay malapit sa Abernong Reyno na pinamumunuan ni Plutong masungit at sa Ilog Kositong. Sa madilim na kagubatan na ito ay may isang lalaking nagngangalang Florante ang nakatali sa puno, inilarawan siya bilang Adonis dahil sa tindig at pangangatawan nito at kahit nakatali na ang kamay, paa’t liig, makinis ang kanyang balat, at ang kanyang pilik-mata’t kilay ay parang isang arko.




Talasalitaan:
1.    kangino – kanino
2.    matimpi – pormal; husto
3.    bulo – binti; guya; bakang maliit; bisiro
4.    higerang - kapwa
5.    balantok - arko
6.    mapanglaw – malungkot; nagdadalamhati
7.    ungos – sa taas ng bibig



Kabanata 3: Kaliluha’y Hari

Buod:
Ang magiting si Florante ay nakagapos pa rin sa kagubatan na ito ngunit walang nakatirang nimfas at harpyas na pwedeng tumulong sa kanya. Kaya naman si Florante ay nagdasal na lamang sa Diyos. Ang hinaing niya ay tungkol sa mga masasamang tao na gustong maghari-harian sa kanyang bayan at ang bandilang iwinawaygayway dito. Galit na galit si Florante pati ang Diyos ay nagawa niyang sisihin kung bakit nangyayari ang mga kamalasan na ito sa Albanya. Alam ni Florante na gusto makuha ni Konde Adolfo ang korona ni Haring Linseo at gawing sabungan ang Albanya. Hinihiling niya na sana tanggalin ang masasamang loob na nakatira sa Albanya at bumalik sa magandang ayos ang kanyang bayan.




Talasalitaan:
1.    uyamin – kutyain
2.    tinangis– sigaw; umiyak; tawag
3.    lugami – manghina; pagod
4.    lilo – samsamin; taksil
5.    dusta – pag – alipusta; insultuhin
6.    pita - kahilingan
7.    niri – isang bagay na malapit sa iyo; ngayon palang nangyayari ang isang bagay
8.    tarok – pagkakaunawa; pagkakaintindi
Kabanata 4: Ang Panigbugho

Buod:
Si Florante ay nagdudusa pa rin sa madilim na kagubatan. Pag siya ay nahihirapan na, siya ay nagdadasal na lamang sa Maykapal. Sa kanyang dasal sabi ni  Florante na lahat ng hirap at sakit tatanggapin ko, ipaalala mo lang kay Laura na may nagmamahal pa sa kanya. Si Laura na lamang ang tanging taong natitira kay Florante ngunit sa kasamaang palad nasa ibang kandungan na ito. Nahimatay si Florante dahil sa sakit na kanyang nararamdaman, halos ang kanyang katawan ay puno ng sakit at pagdurusa at kung may makakita man sa kanyang kalagayan ay tiyak na maaawa ito. Ang madilim at malungkot na kagubatan ay mas lalo naging malungkot dahil sa nangyari kay Florante.





Talasalitaan:
1.    laot – mataas na dagat
2.    gunamgunam – diwa; layunin
3.    mandin –tila; wari; para
4.    apuhap – humana; sikaping matamo
5.    suyo - ligawan
6.    hapis – masidhing kalungkutan
7.    nahan - saan
8.    lungayngay – nalalanta; sampay; bitin
9.    pili – ikirin; tirintasin


Kabanata 5: Halina’t Laura Ko

Buod:
Si Florante ay galit na galit pa rin kay Laura. Pero pagmamahal pa rin ang namayani sa puso ni Florante. Hindi niya akalain na sasayangin lamang ni Laura ang maraming luha na inalay nito para sa kanya at tinagurian pa siya nito ng “giliw” dahil si Florante ang lunas ng mga sakit na nararanasan ni Laura.  Si Florante ay laging inuutasan ng ama ni Laura. Pag aalis si Florante si Laura ay malulungkot at iiyak; itatahi niya ang sirang plumahe nito at ayaw na ayaw niya masugatan si Florante sa pakikipaglaban. Ang lahat ng iyan ay hinahanap ngayon ni Florante habang siya’y nakatali sa puno. Si Laura na lamang ang natitirang magpapaligaya kay Florante ngunit nasa ibang kandungan na ito at ang kanyang lungkot ay umalingawngaw sa buong gubat kaya sa kanyang matinding pagseselos at sakit na nararamdaman ay nahimatay siya.



Talasalitaan:
1.    baluti – ginagamit sa pakikipaglaban; pang proteksyon sa kalaban.
2.    gurlis – bugbog; pasa; galos; gasgas
3.    tugot – paghinto; pagtigil
4.    dini – dito
5.    upandin – nasa ayos
6.    sawata – abala; hadlangan
7.    lingap – awa; habag
8.    dalita – hirap
9.    kalis – espada; sable
10. tunod – palasong maigsi; kislap
11. yukyok – itago
12. supil – disiplina; patnubayan

Kabanata 6: Pagdating ni Aladin sa Gubat

Buod:
Si Aladin ay nagkataong dumating sa kagubatan, siya ay isang gererong nagmula sa siyudad ng Persya mula siya sa mga lahi ng Moro. Si Aladin ay naghahanap ng punong pwede mapagpahingahan. Umupo siya sa puno at siya ay umiiyak, ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang kaliwang kamay at tinutop niya ang kanyang noo sa kanan. Si Aladin ay tumigil sa pagiyak at inalala ang nararamdaman para kay Flerida, ang babaeng pinakamamahal ni niya. Ngunit si Flerida ay inagaw na ng kanyang sariling ama. Lahat gagawin ni Aladin para bumalik lang sa kanya ang kanyang pinakamamahal na babae na si Flerida. Hindi niya gagalangin ang umagaw sa kanyang minamahal at ihahalintulad pa niya ang kanyang sarili kay Marte, ang diyos ng digmaan





Talasalitaan:
1.    daop – yakapin
2.    yakagin – mag-anyaya; tawagin ang pansin; pumarito
3.    nasok – tumuloy; pumasok
4.    yurakan – humakbang; lumakad
5.    linsil – ligaw
6.    tatap – unawain




Kabanata 7: Duke Briseo: Ang Amang Nagmamahal

Buod:
Si Aladin ay nakarinig ng isang taong umiiyak, sinundan niya ito at nahamangha siya sa nakita niya. Nakita niya si Florante na umiiyak habang nakatali sa puno. Umiiyak si Florante dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Pinatay ni Konde Adolfo ang ama ni Florante. Sabi ni Florante ang mga kaibigan pa daw ng kanyang ama ang tumaksil sa kanya, naghati sila sa dalawang grupo, isa sa mga kakampi at yung isa sa mga tumaksil. Napagalaman pa ni Florante na hindi nabigyan ng magandang libing ang kanyang ama. Para kay Florante, si Duke Briseo ay isang ulirang ama dahil kahit sa huling sandali ng buhay nito ang kapakanan pa rin ng kanyang anak ang iniisip at sinabi na Florante na nung mamatay ang kanyang ama ang lahat ng tuwa na kanyang nararamdaman ay nawala sa kanya.


Talasalitaan:
1.    baling - pihit; palit; liko
2.    humibik - mahinahon; di-lasing
3.    tabak – bolo; espada
4.    sukab – traydor
5.    napatid – nabali
6.    mapagkandili – mapagsamantala
7.    namaang – nagtaka





25 comments:

  1. thank u very much project namin to ngayon

    ReplyDelete
    Replies
    1. same pala tayo :) buti nalng nagpost ka n2 maraming maraming salamat mag rereport pa ako bukas nito .. hahaha naiwan ko kac ung libro ko sa locker sana parehas ito dun kac sa iLaw ung pamagat ng book namen and then same nadun na rin ung florante at laura tnx you,

      Delete
  2. tnx so much solve na ang prblem ko sa filipino subject namin..salamat talaga..^_^

    ReplyDelete
  3. BIG HELP! Project rin nmin toh! :D at feeling ko may classmate na akong nakakita nito :P

    ReplyDelete
  4. Salamat po!!!
    Laking tulong po dahil di maintindihan ang Florante't Laura~ :3

    ReplyDelete
  5. Badly needed this. Super thanks! :D

    ReplyDelete
  6. Ty dito kase assignment nmin to ipapasa ko na sa lunes salamat tlga

    ReplyDelete
  7. thank you atleast onti na lang ung gagagwin ko...thank you so much tlaga....:) :) :) :)

    ReplyDelete
  8. Thankyouuuuuuuu ditosalamat at di nako magiisip kung ano yung buod na gagawin ko. kailangan kona lang ng tauhan dito sa kay selya huhuhu :(

    ReplyDelete
  9. Thankyouuuuuuuu ditosalamat at di nako magiisip kung ano yung buod na gagawin ko. kailangan kona lang ng tauhan dito sa kay selya huhuhu :(

    ReplyDelete
  10. sino po ang gusto ni baltazar sa dalawang pares na si laura at florante o florenda at aladin

    ReplyDelete
  11. Sayang Napakaganda kaso nga lang walang Pictures bawat kabanata

    ReplyDelete
  12. Mahirap basahin yung mga text sa blog mo. Paki ayos yung background at font ng mga text para maayos basahin. Pero overall, magaling ka gumawa ng html. GOOD JOB!

    ReplyDelete
  13. Mahirap basahin yung mga text sa blog mo. Paki ayos yung background at font ng mga text para maayos basahin. Pero overall, magaling ka gumawa ng html. GOOD JOB!

    ReplyDelete
  14. Thankyou ! Yung background lang talaga haha

    ReplyDelete
  15. cnu po maranung mag gawa ng lesson plan bigyan ko ng laod as soon as possible

    ReplyDelete
  16. Sayang kulang yung mga kabanata...hanggang 50 na kabanata ba?

    ReplyDelete