Sunday, September 25, 2011

Kaibigan at ang Minamahal

Ito ang kwento ng buhay pag-ibig ng isang taong nagmamahal sa isang bata kinaiinisan ng kanyang mga kaibigan. May isang taong nangarap na magmahal at nangarap na mamahalin siya ng babaeng pinupusaan niya, ang pangngalan niya ay Allan at ang babaeng napupusuan naman ay si Nica. Si Allan ay nasa ikalawang taon na ng high school at si Nica ay nasa ika-unang taon naman ng high school. Si Allan ay may kapareha na noon nung siya ay nasa ika-unang taon ngunit sila’y naghiwalay dahil sa komplikadong sitwasyon. Si Allan ay may dalawang matapat na kaibigan si Leticia at Olivia. Silang dalawa rin ang naging daan upang makilala ni Allan si Nica. Sabi nila na si Nica daw ay isang over–confident na tao. Si Allan naman ay nag – agree sa kanilang dalawa sabi ni Allan “Kayo bahala laitin niyo kung gusto niyo!” sinabi Allan yon dahil hindi pa niya nakikila ng lubusan si Nica . Si  Si Allan ay kasama sa isang grupo ng mahihilig kumanta. Sumali rin Nica sa grupong iyon, habang naghihintay na magsimula ang awitan si Leticia at si Olivia naman ay tinawag at itinuro kay Allan kung sino yung babaeng tinutukoy nila. Pagkatapos ng maikling awitan. Si Allan ay pinuntahan si Nica upang kilalanin ito at gawing kaibigan. Doon na nagsimula ang storya ng pagkakaibigan nilang dalawa. Nang makilala na ni Allan si Nica sabi niya kina Leticia at Olivia “Hindi naman siya ganoon ha!” , sabi naman ni Olivia “hindi mo pa kasi siya nakikilala ng lubusan”. Nung sinabi ni Olivia na kilalanin daw muna ni Allan si Nica ng lubusan. Si  Allan ay laging kinakamusta at sinusundan si Nica. Si Nica naman ay parang inis na inis na nakangiti, hindi tuloy maintindihan ni Allan kung anong ibig sabihin nun. Si Nica at si Allan ay naging magkaibigan at naging “close” sa isa’t isa dahil pareho sila ng personalidad at pareho silang may salamin. Nang tumatagal na ang pagiging magkaibigan nila nakikilala na rin ni Nica si Allan at nakikilala na rin ni Allan ang mga kaibigan ni Nica. Nakilala ni Allan si Marcio. Nalaman ni Allan na pareho silang  nagkakagusto kay Nica. Pero si Allan pa rin ang laging lamang. Paligi niya kasi itong sinusundan at kinakausap hindi tulad ni Marcio at si Allan rin ang isang klase ng tao na hindi torpe. Habang tumatagal ang pagiging magkaibigan nila si Leticia at Olivia naman ay nakakaramdam na ng inis kay Allan dahil nakikita nila itong magkasama paligi at parang close sa isa’t isa hudyat upang sabihin kay Allan na “Ano ba yan Allan, maraming tamang babae dyan, bakit siya pa, di mo ba alam ang tunay na ugali niya malandi at nakiki- daddy kay Sir Awit!” Nadidiri kasi sila kay Nica dahil sa kanyang kaanyuan at personalidad na maarte, malandi, over – confident, loner  at feeler daw. Sinasagot na lang ni Allan “Hindi ko alam, mahal ko siya, siya ang tamang babae para sa akin, siya lang ang taong nakikilala ko na kapareha ng ugali, siya lang ang babae para sa akin at WALA NG IBA!”. Si Allan ay laging ipinatatanggol si Nica kina Leticia at kay Olivia kahit siya na ang nasasaktan si  Nica pa rin ang kanyang iniisip, lahat ay gagawin niya para hindi siya maging malungkot. Si Leticia at si Olivia ay may ibang gusto para kay  Allan. Pero si Allan ay natamaan na talaga kay Nica, lagi niya tong naiisip, lagi niyang tinutulungan at laging niyang naaalala pag nakarinig ito ng awiting pag – ibig. Si Nica ang ginagawang inspirasyon ni Allan sa kanyang mga ginagawa tulad ng magkaroon ng Kick –off para sa Kapit Buhay para sa Dugo at ngayong sasali sila sa isang competition sa De LSal, ang Philippine Singing Contest o ang PSC. Si Allan ngayon ay laging masaya pag nakikita o di kaya nakakausap niya si Nica dahil hindi lang siya pusong mamahalin niya isang siya ang regalo mula siya diyos.

No comments:

Post a Comment