Sunday, September 25, 2011

Pinanganak

by Mark Ybanez


Ikaw ay pinanganak upang maging Pilipino,
Ikaw ay pinanganak upang ipagmalaki ang lahi ng Pilipino
 Ikaw ay pinanganak upang ipagtanggol ang Pilipinas
Ikaw ay pinanganak upang maging pag –asa ng bayan 
Ikaw ay pinanganak upang tangkilikin ang gawa ng Pilipino

Ikaw ay pinanganak upang maging mabuting anak ng Panginoon
Ikaw ay pinanganak upang ipamahagi ang salita ng Panginoon
Ikaw ay pinanganak upang awitan ang Panginoon
Ikaw ay pinanganak upang maging misyonaryo ng Panginoon
Ikaw ay pinanganak para alagaan ang mga biyaya ng Panginoon

Ikaw ay pinanganak upang maging haribon na matapang at malakas
Ikaw ay pinanganak upang mahalin ang magulang
Ikaw ay pinanganak upang makapag – aral ng mabuti
Ikaw ay pinanganak upang magkaroon ng talento na ipapamahagi mo sa ibang tao
Ikaw ay pinanganak upang makapag bigay ng saya sa ibang tao

Ikaw ay pinanganak upang magmahal ng ibang tao
Ikaw ay pinanganak upang makilala sa buong bansa
Ikaw ay pinanganak upang ipagmalaki ng magulang at mga kaibigan
Ikaw ay pinanganak upang ipaglaban ang karapatan
Ikaw ay pinanganak upang mag – sabi ng totoo



 Watch the video:

No comments:

Post a Comment